Idinaos kahapon sa Beijing ang resepsyon bilang pagtanggap sa bagong puno ng China-ASEAN Centre(ACC) na si Ginang Yang Xiuping. Dumalo sa pagtitipon si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at mga Embahador ng ASEAN sa Tsina.
Ipinahayag ni Liu Zhenmin ang mataas na pagtasa sa positibong papel ng ACC. Umaasa aniya siyang ibayo pang pasusulungin ng ACC ang pagtitiwalaang pangkapitbansa sa pagitan ng Tsina at ASEAN at pragmatiko nitong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Yang Xiuping na patuloy na magsisikap ang ACC, kasama ng ibat-ibang sektor ng Tsina at mga bansang ASEAN para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura, turismo at iba pa.