Dumating kamakalawa sa Sekretaryat ng ASEAN-China Center (ACC) si Yang Xiuping, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng ACC para isagawa ang kanyang tungkulin. Noong ika-22 ng buwang ito, ayon sa kapasiyahan ng Magkasanib na Konseho ng ACC, nagsimula ang termino ni Yang bilang Pangkalahatang Kalihim ng ACC, at tatagal ito ng tatlong (3) taon.
Ipinahayag ni Yang na magsisikap siya kasama ng lahat ng kanyang kasamahan, para sa mas magandang kinabukasan ng Tsina at 10 bansang ASEAN, mas magandang kinabukasan ng kooperasyong Sino-ASEAN, at mas mabuting pamumuhay ng 2 bilyong mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng