ST. PETERSBURG, Russia—Nanawagan kamakailan si Liu Qibao, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa mga media organizations ng Tsina at Rusya na pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang keynote speech sa China-Russia Media Forum, sinabi ni Liu na sa panahon ng bagong media, kailangang magkasamang magsikap ang media ng dalawang bansa para mapahusay ang kakayahan sa international communication. Hiniling din niya sa media ng dalawang bansa na iulat ang hinggil sa tagumpay ng World War II at pasulungin ang pagpapalitang pangkultura at pangkaibigan ng dalawang bansa.
Bumisita si Liu sa Rusya mula ika-25 hanggang ika-27 ng buwang ito.
Salin: Jade