Saksi sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa paglagda kahapon sa Moscow nina Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI) at Pavel Negoitsa, Presidente ng Rossiyskaya Gazeta, opisyal na pahayagan ng Rusya, ng kasunduang pangkooperasyon.
Ayon sa kasunduan, isasagawa ng naturang dalawang ahensiya ang kooperasyong gaya ng pagpapalitan ng mga materyal ng programa, pagsasanay ng mga tauhan, magkakasamang pagsasagawa ng mga special coverage, at iba pa.
Matapos ang paglagda ng kasunduang ito, ipinaalam ang paglulunsad ng Tsina at Rusya ng taong 2016 at 2017 bilang mga taon ng pagpapalitan ng media ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai