Itinatag kahapon sa Tianjin ang Sentro ng Edukasyon ng Wika at Kulturang Tsino na magkasamang itinaguyod ng ASEAN China Centre at Tianjin International Chinese College.
Ang naturang sentro ay magkakaloob ng mga serbisyo na kinabibilangan ng mga kurso ng pag-aaral ng wikang Tsino ng mga mamamayan ng mga bansang ASEAN, pagtuturo ng wikang Tsino sa mga diplomata ng ASEAN at kanilang asawa, pagsasanay ng mga guro ng ASEAN na magtuturo ng wikang Tsino sa kani-kanilang bansa, at pagtuturo ng commercial Chinese sa mga mangangalakal at mga tao na lumalahok sa mga proyekto ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road."
Ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Centre (ACC), na ang naturang sentro ay naglalayong pasulungin ang pagtitiwalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN at pagpapalitan ng dalawang panig sa edukasyon at kultura.