Sa Nanning, lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ipinahayag kahapon ni Liu Jianhong, Pangalawang Puno ng Departamentong Pansiyensiya't Panteknolohiya ng Guangxi, na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN sa larangan ng paglilipat ng teknolohiya, hindi lamang pinasusulong ang "paglabas" ng mga bahay-kalakal ng Tsina, kundi matagumpay na "pasukin" ang yaman ng kooperasyon ng inobasyon ng mga bansang ASEAN. Ito aniya ay lubos na nakakapagpasulong sa kooperasyon at pag-u-upgrade sa pagitan ng industriya ng Tsina at ASEAN.
Winika ito ni Liu sa isang news briefing hinggil sa konstruksyon ng Sentro ng Paglilipat ng Taknolohiya ng Tsina at ASEAN. Sapul nang maitatag ang sentrong ito noong 2013, puspusan nito itinatatag ang network ng paglilipat ng teknolohiya ng Tsina at ASEAN. Hanggang sa ngayon, naitatag na ng Tsina ang bilateral na sentro ng paglilipat ng teknolohiya sa limang bansang kinabibilangan ng Cambodia, Myanmar, Laos, Thailand, at Indonesia. Ang pagkakatatag ng nasabing mga plataporma ay nagkakaloob ng pagkakataon ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng