Ayon sa pinakahuling datos, 142 katao ang naitalang namatay sa pagbagsak ng C-130 Hercules ng Indonesia.
Inatas kahapon ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa panig militar ng bansa na suriin ang kalagayan ng mga eroplanong militar, at i-upgrade ang kasangkapang militar.
Kasabay nito, inutusan ng awtoridad ang panig militar na itigil ang pagpapalipad ng walong C130 Hercules aircrafts hangga't matuklasan ng mga tagapagsiyasat ang dahilan ng pagbagsak.
Bumagsak kamakalawa sa kalunsuran ng Medan, punong lunsod ng North Sumatra ng Indonesia ang isang C130 Hercules plane.
Salin: Jade