Sa Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina—Pagkatapos ng 105 araw na pagsisikap, natapos ng 93 freshman at guro mula sa School of Architecture and Urban Planning ng Huazhong University of Science and Technology ang renobasyon sa isang 120 metro kuwadrado na silid-aralan.
Ipinagkaloob ng sponsor ang mga materiyal na nagkakahalaga ng 70 libong yuan RMB (o mahigit 11 libong dolyares). Bukod dito, ang buong renobasyon ay ginastuhan ng 64 libong yuan RMB (o mahigit 10 libong dolyares) na pondo.
Sa pamamagitan ng sariling kamay, binago ng mga estudyante at guro ang isang tradisyonal at di-pulidong na silid-aralan sa isang maginhawa at de-kalidad na silid-aral ng pagdidisenyo.
Salin: Vera