Ang paggamit ng make-up ay laging hindi nangangahulugang lagging mas gumaganda ang isang babae. Sometimes, gamitin ito para mas pumangit o nakakatakot ang isang tao.
Si Emily Anderson ay isang make-up artist na galing sa California ng Estados Unidos(E.U.). Kamakailan, sa tulong ng ilang litratong inipost niya sa kanyang Instagram account, naipakita niya ang husay sa face-painting. Binago niya ang kanyang sarili at ipinakita ang mga nakakatakot na imahe tulad ng jack-o-lantern, evil mermaid at futuristic android. Bukod dito, inidesenyo niya ang ilang bad character sa mga classic na pelikula tulad ng Venom ng Spider-Man 3, skull at flames ng Ghostrider.
Bukod sa mga nakakatakot na imahe, nahanap din ni Anderson ang inspirasyon mula sa mga animated film ng Disney at idinisenyo ang face-painting na may kinalaman sa Lion King at Peter Pan.