

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa nitong Miyerkules ng Shanghai Jade Buddha Temple ang mga meditation classes. Ang pangyayaring ito ay talagang pambihira at mahirap na makakuha ng pagkakataon na lumahok dito.


Pitumpu (70) katao ang pumunta sa Shanghai Jade Buddha Temple para lumahok sa dalawang araw na meditation classes. Isinantabi nila ang kanilang mga mobile phone at nagsuot ng meditation clothing.



Sa dalawang araw na ito, isasagawa ng mga kalahok ang pagdarasal, pagtayo, hindi pagsasalita, at pagdinig sa diskurso ng Master. Ang meditation ay nangangahulugang "paghubog ng puso."
Salin: Li Feng