Idinaos kahapon sa Ufa, Rusya ang isang serye ng diyalogo ng mga lider mula sa mga miyembro ng BRICS, na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa; SCO, na kinabibilangan ng China, Russia, Kazakhstan, Tajikistan, Uzbekistan at Kyrgyzstan; mga bansang tagamasid ng SCO, na kinabibilangan ng Mongolia, Pakistan, India, Iran at Afghanistan; at Eurasian Economic Union(EEU).
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang BRICS, SCO at Euraisan Economic Union ay nagsisilbing mahahalagang mekanismong pangkooperasyon sa daigdig. Nagpapakita aniya ang kasalukuyang pagtitipon ng positibong signal na nagpapalakas sa pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng mga umuusbong at umuunlad na ekonomiya. Umaasa aniya siyang magsisikap ang mga may-kinalamang panig para magkasamang maitayo ang matatag at pangmatagalang kaayusan at estruktura ng daigdig, na may ligtas na kapaligiran, win-win situation, maalwang konektibidad, at bukas at inklusibong pagtutulungang panrehiyon. Dagdag pa niya, positibo ang mga kalahok sa estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinataguyod ng Tsina.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga lider mula sa Rusya, Brazil, India, South Africa, Afghanistan, Belarus, Iran, Mongolia, Pakistan, Armenia, Uzbekistan, Kazakhstan, Tajikistan, at iba pa.