Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Cambodian counterpart na si Tea Banh, ipinahayag ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina na nananatiling mainam at mahigpit ang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa pulitika, kabuhayan, seguridad, at mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para ibayo pang mapasulong ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang hukbo, batay sa pagpapahigpit ng pagpapalitang militar sa mataas na antas; mapalalim ang multilateral na kooperasyong panseguridad, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Tea Banh ang pagsisikap ng Kambodya para ibayo pang mapalakas ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina. Nakahanda aniya ang Kambodya na pasulungin pa ang malusog at matatag na relasyon ng dalawang bansa at hukbo, sa pamamagitan ng ibayo pang pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.