Ang kasal ba ay katumbas ng kamatayan ng pag-ibig? Sa pamamagitan ng wedding photo, ipinakita ng Singaporean na mag-asawa ang kanilang ideya hinggil dito.
Ayon sa ulat ng Daily Mail ng Britanya, kinuha kamakailan ng bagong kasal na mag-asawang Singaporean na sina Darren Cheng (groom) at Jenny Tay (bride) ang kanilang wedding photo na may temang "kamatayan."
Ang naturang mga litrato ay upang ipakita ang kanilang pananalig na ipagpapatuloy ang kanilang pag-ibig habang buhay.
Sinabi ni Tay na ang "kamatayan" ay isang bahagi ng buhay, pero sa mga bansang Asyano, ito'y isang negatibong bagay. Kaya umaasa aniya siyang pasisiglahin ang pakikitungo ng mga tao sa isyung ito sa isang bukas at tapat na atityud.