Nang sagutin niya ang tanong ng mga mamamahayag hinggil sa 9th high level meeting para ipatupad ang "Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea" (DOC), ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagdaraos ng nasabing pulong sa Tianjin, sa ika-29 ng buwang ito. Dadalo rito aniya si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang mga counterpart mula sa mga bansang ASEAN.
Dagdag pa ni Lu, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa totohanang pagpatupad sa DOC para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa karagatan, at ang negosasyon hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng "Code of Conduct in the South China Sea," batay sa balangkas ng DOC.