Ngayong araw ay ang ika-70 anibersaryo ng pagkakapatalastas ng Potsdam Proclamation. Sinabi ni Zhao Jianwen, mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS), na ang naturang kasunduan ay nakapaglatag ng pundasyong pambatas sa kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II (WWII). Dagdag pa niya, kinikilala ng buong daigdig ang papel at katayuan ng Potsdam Proclamation.
Sa naturang kasunduan, itinakda ang konsultasyon sa pagpaparusa sa Hapon hinggil sa pananalakay sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko at pagkolonya sa mga bansang Asyano.
Ipinahayag naman ni Lv Yaodong, isa pang mananaliksik ng CASS, na batay sa Potsdam Proclamation at Cairo Declaration, ang Diaoyu Islands ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina.
Kaugnay ng pagtanggi ng makakanang puwersa ng Hapon sa papel at katuturan ng Potsdam Proclamation, sinabi ni Lv na ang naturang aksyon ay magdudulot ng negatibong epekto sa kaisipan ng mga mamamayang Hapones. Ito aniya ay di-makakabuti sa pangmatagalang kapayapaan ng Asya.