GENEVA, Switzerland—Bilang tugon sa mga may kinalamang tanong, sinabi kahapon ng kinatawan ng misyong Tsino sa Geneva na makatarungan ang kooperasyon ng Tsina't Thailand sa pagpapauwi ng mga ilegal na migranteng Tsino.
Sinabi pa niyang ayon sa magkasamang imbestigasyon ng Tsina at Thailand, ang nasabing mga mamamayang Tsino, gamit ang pekeng pasaporte, ay pumasok at nanatili sa Thailand para tuluyang magtungo sa Syria at Iraq at pinaghihinalaang lalahok sa mga teroristikong aktibidad, sa pangangatwiran ng Jihad.
Ipinagdiinan din niyang ang kooperasyon dito ng Tsina at Thailand ay ginawa, batay sa mga may kinalamang pandaigdig na batas at dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
salin: Jade