Kaugnay ng pagpapauwi kamakailan ng Thailand sa Tsina ng 109 na ilegal na migranteng Tsino na kinabibilangan ng mga pinaghihinalaang terorista, positibo sa isyung ito ang mga eksperto sa isyung pandaigdig at senior journalist mula sa mga bansang Timog-silangang Asyano na gaya ng Thailand, Indonesya, Malaysia, Singapore, Myanmar, at iba pa.
Ipinalalagay ng naturang mga tauhan na ang aksyong ito ng Tsina at Thailand ay kooperasyon ng pagpapatupad ng batas na batay sa may kinalamang pandaigdig na kombensyon at bilateral na kasunduan ng dalawang bansa. Ito anila ay lehitimo, makatwiran, at angkop sa pandaigdig na kaugalian.
Sinabi rin nilang ang pagbatikos ng ilang bansa sa Tsina at Thailand kaugnay ng isyung ito sa pangangatwiran ng "karapatang pantao," at pagtuturing nila sa naturang mga ilegal na migrante at pinaghihinalaang terorista na "refugee," ay nagpapakita ng "double standard" ng mga bansang ito sa isyu ng paglaban sa terorismo, at salungat din sa pandaigdig na pagsisikap laban sa terorismo.
Salin: Liu Kai