|
||||||||
|
||
Matinding kinondena ng komunidad ng daigdig ang pag-atake ng Somali Youth Party sa Al-Jazeera Hotel sa Mogadishu, kabisera ng Somalia.
Isang pahayag ang ipinalabas kahapon ng United Nations Security Council (UNSC) bilang pagbikos sa madugong pangyayaring ito. Inulit ng UNSC na buong-tatag nitong bibigyang-dagok ang terorismo sa anumang porma, ayon sa Karta ng UN.
Ipinahayag din ng Tsina ang kondemnasyon sa insidenteng ito.
Naganap kamakalawa ang suicide bombing sa anim-palapag na luxury hotel kung saan nakabase ang mga embahada ng Tsina, Ehipto, Qatar at United Arab Emirates.
Namatay ang isang guwardya at nasugatan ang tatlong staff ng pasuguang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |