Sa kanyang talumpati kahapon sa Tokyo, ipinagdiinan ni Tomiichi Murayama, dating Punong Ministro ng Hapon ang kahalagahan sa pananangan ng pamahalaang Hapones sa Murayama Statement.
Ipinalabas ng dating punong ministro ang nasabing statement noong 1995 bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Mababasa sa nasabing statement ang pagsisisi ng Hapon sa mapanalakay na kasaysayan nito noong WWII at paghingi ng paumanhin sa mga nabiktimang bansang Asyano. Ipinagdiinan ni Murayama na ang statement na ito ay nagpakita ng opisyal na desisyon dahil pinagtibay ito ng Gabinete noon.
Hiniling din niya sa kasalukuyang administrasyong Hapones na manangan sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Idinagdag din niyang upang maging mapagkakatiwalaang bansa ng mga kapitbansang Asyano, kailangang tumpak na pakitunguhan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Hapon ang mapanalakay na kasaysayan.
Salin: Jade