Sunud-sunod na pinagdudahan ngayong araw ang mga lider ng iba't ibang pangunahing partido ng Hapon ang nilalaman ng talumpati ni Punong Ministro Shinzo Abe hinggil sa "Abe Statement." Hinimok nila si Abe na sundin ang diwa ng "Murayama Statement."
Sa isang TV program ng Japan Broadcasting Corporation (NHK) kaninang umaga, sinabi ni Abe na hindi gagamitin ng "Abe Statement" na ipapalabas sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II ang mga masusing salita sa "Murayama Statement" na gaya ng "paghaharing kolonyal" at "pagsalakay," sa halip, ipapahayag nito ang pagkaalam at pag-iisip ng pangasiwaan ni Abe sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II.
Binatikos at pinagdudahan ng mga lider ng mga pangunahing partido ng Hapon na gaya ng Democratic Party, Restoration Party, at Communist Party ang naturang pahayag ni Abe.
Salin: Vera