Ipinahayag kahapon ng mga opisyal ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) na dapat agarang isagawa ng Unyong Europeo (EU) at Greece ang mga mabisang hakbangin para harapin ang krisis ng refugees na laganap sa Greece.
Ayon sa datos ng UNHCR, sapul nang pumasok ang taong ito, ang bilang ng mga migrations sa Greece ay umabot sa halos 110 libo at ang karamihan sa kanila ay mga refugees.
Kaugnay nito, ipinahayag nina Vincent Cocherel, Direktor ng Bureau for Europe ng UNHCR, at Terry Morel, DIrektor ng Emergency, Security and Supply ng UNHCR, na dahil mabilis na lumaki ang bilang ng mga refugees sa Greece, kulang ang mga pasilidad ng bansang ito sa pagtanggap, pagbibigay-serbisyo at pagrehistro. Dagdag pa nila, dapat isagawa ng pamahalaan ng Greece ang pangkagipitang aksyon para harapin ang hamong ito.
Bukod dito, nanawagan din sila sa EU na ipagkaloob ang mas maraming tulong sa Greece para sa pagharap sa krisis na ito.