Sa Beirut, kabisera ng Lebanon-Ipinatalastas dito kahapon ng UNHCR, UN Refugee Agency na lumampas na sa 1.04 milyon ang bilang ng mga refugee na lumikas sa bansang ito mula sa Syria.
Ayon sa UNHCR, ang Lebanon ang bansang may pinakamaraming bilang ng mga refugee mula sa Syria. Ayon pa rin sa UNHCR, sapul nang sumiklab ang krisis sa Syria noong Marso, 2011, mahigit 2.7 milyong Syrian ang sapilitang lumisan ng bansa, at nagtungo sa Lebanon, Jordan, Turkey at Iraq.
Nanawagan ang UNHCR sa komunidad ng daigdig na magkaloob ng mas maraming suporta para sa mga Syrian refugee at mga bansang tumatanggap sa kanila.
Salin: Jade