|
||||||||
|
||
Ang Zhangjiakou ay isang lunsod ng Lalawigang Hebei sa hilagang Tsina, at malapit ito sa hanggahan ng Beijing sa dakong hilagang kanluran.
Ang mga pangunahing industriya ng Zhangjiakou ay kinabibilangan ng iron at steel industry at grape wine industry. Bukod dito, nitong ilang taong nakalipas, ginagalugad din ng Zhangjiakou ang turismo, dahil sa magagandang tanawin sa lokalidad.
Mahaba ang taglamig sa Zhangjiakou, at higit sa lahat, malakas ang pag-ulan ng niyebe dito sa Disyembre, Enero, at Pebrero. Kaya, ayon sa plano, ang Zhangjiakou ay magiging pangunahing venue ng karamihan sa mga snow events ng 2022 Winter Olympics.
Ngayon, masdan natin ang ilang magandang tourist attractions sa paligid ng Zhangjiakou.
Zhangbei Grassland, matatagpuan sa Zhangbei County sa dakong hilaga ng Zhangjiakou. Maganda ang likas na tanawin dito, at mararanasan natin dito ang pamumuhay bilang pastol.
Dahaituo Natural Reserve, matatagpuan sa Chicheng County sa dakong kanluran ng Zhangjiakou. Makikita rito ang mabuting napapangalagaang kapaligirang ekolohikal, na gaya ng old-growth forest at pinamamahayan ng mga ibon.
Bundok ng Jiming, bundok sa timog na bahagi ng Zhangjiakou, na may magagandang bulaklak sa tagsibol at tanawin ng niyebe sa taglamig.
Sky Route, matatagpuan sa hanggahan ng Zhangbei County at Chongli County sa dakong hilaga ng Zhangjiakou. Mahigit 132 kilometro ang haba ng lansangang ito na nasa damuhang 1400 meters above sea level ang karaniwang taas. Maganda ang tanawin sa kahabaan ng lansangan.
Ancient Town ng Yu County, matatagpuan sa Yu County sa dakong timog kanlaran ng Zhangjiakou. Mahaba ang kasaysayan ng bayang ito. Sinimulan ang konstruksyon nito noong 580AD, at isinagawa ang malawak na pagkukumpuni noong 1378AD. Nananatili hanggang sa kasalukuyan ang maraming arkitekturang naitayo sa panahong iyon.
Mga skiing sites sa Chongli County sa dakong hilaga ng Zhangjiakou. Moderno ang mga pasilidad ng pag-iiski sa mga lugar na ito, at maganda rin ang mga serbisyong panturista na gaya ng panuluyan, pagkain, transportasyon, at iba pa.
Editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |