Kinatagpo kahapon sa Kuala Lumpur si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Najib Razak ang suporta sa pagtatatag ng Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo at Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) na itinataguyod ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina, magkasamang pagtatatag ng China-Malaysia Industrial Park, at paghihikayat sa mas maraming pamumuhunan mula sa mga bahay-kalakal na Tsino sa Malaysia.
Ipinahayag naman ni Wang Yi na positibo ang Tsina sa mahalagang ambag ni Punong Ministro Najib Razak para pasulungin ang relasyong Sino-Malaysian. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para pasulungin ang pagtutulungan sa produktibong kakayahan at imprastruktura, palawakin ang kooperasyon sa mga bagong larangan, pahigpitin ang pagpapalitan sa larangan ng kultura at tauhan, at patnubayin ang komong palagay ng mga mamamayan para pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.