Nag-usap kahapon sa Kuala Lumpur ng Malaysia si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at ang kanyang counterpart na si Anifah bin Aman ng bansang ito.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng Malaysia, ang mga kooperasyon sa mga larangan na gaya ng konstruksyon ng mga industrial park, enerhiya, space activity, komunikasyon, seguridad at kultura.
Ipinahayag naman ni Anifah bin Aman na mahalaga ang relasyon ng kanyang bansa at Tsina. Nakahanda aniya siyang walang humpay na palalimin ang mga kooperasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng paghahanap ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, kapwa nila ipinahayag na patuloy na isagawa ang kooperasyon at maayos na hawakan ang mga susunod na gawain.