Nagtagpo kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hor Nanhong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia.
Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Cambodia, ang mga nagkakaisang posisyon na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang bilateral na relasyon.
Sinabi ni Hor Nanhong, na nakahanda ang kanyang bansa sa lumahok sa konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" initiative at Asian Infrastructure Investment Bank.
Bukod dito, kapwa nila ipinahayag ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa balangkas ng ASEAN.