Isinagawa kamakalawa ng Cambodia Bayon Airlines ang unang international flight nito mula sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya patungong Ho Chi Minh City, Biyetnam. Ang ginamit nitong eroplano ay MA60 aircraft na yari sa Tsina.
Ang airlines na itinatag noong Abril, 2014 ay wholly owned subsidiary ng Bayon Airlines Holdings.
Bago isaoperasyon ang nabanggit na international flight, nagbukas na ang Cambodia Bayon Airlines ng mga domestic flight sa pagitan ng Phnom Penh, Siem Reap at Port Sihanoukville.
Salin: Jade