|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng kanyang paglalakbay-suri sa mga lugar na apektado ng baha, nangumusta si Thein Sein sa pinakamalaking di-pampamahalaang rescue team ng Tsina.
Ipinahayag ng pangulo ng Myanmar ang kanyang paghanga sa professionalism ng nasabing rescue team ng Tsina. Natandaan din niyang noong Setyembre, 2014, nakilahok din ang Blue Sky Rescue Team ng Tsina sa paghahanap at pagliligtas sa mga nawawalang mamumundok ng Myanmar.
Dumating kamakalawa ng Yangon ang 10 miyembro ng Blue Sky Rescue Team nitong nagdaang Martes, at dumating sila kahapon ng Rakhine State, para simulan ang paghahanap at pagliligtas. Ang Blue Sky Rescue Team ay ang unang pandaigdig na rescue team na dumating ng Myanmar sapul nang salantain ang bansa ng baha.
Bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 13 sa 14 na lalawigan/estado ng Myanmar ang nasalanta ng baha. Di-kukulangin sa 69 ang namatay at mahigit 250,000 mamamayan ang apektado.
Salin: Jade
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |