Ipinatalastas ngayong araw ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na magkakaloob ang bansa ng 10 milyong RMB (1.6 milyong US dollars) halaga ng pangkagipitang materyales na panaklolo para tulungan ang mga mamamayan ng Myanmar na apektado ng baha.
Kabilang sa mga pangkagipitang tulong ay ang 100 rubber boat na gagamitin sa mabilis na paghahatid ng mga materyal at pagkaing panaklolo sa mga apektadong mamamayan.
Bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 13 sa 14 na lalawigan/estado ng Myanmar ang nasalanta ng baha. Di-kukulangin sa 69 ang namatay at mahigit 250,000 mamamayan ang apektado.
Salin: Jade