KUALA LUMPUR, Malaysia—Ipininid kahapon ang tatlong araw na serye ng bilateral at multilateral na pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea.
Ipinahayag ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, ang kanyang kompiyansaNG matatapos ang pagtatag ng ASEAN Community sa katapusan ng taong ito, ayon sa iskedyul.
Ang ASEAN Community ay sasaklaw sa 620 milyong populasyon. Kapag naitatag, magsisilbi itong ika-7 pinakamalaking kabuhayan sa daigdig na may Gross Domestic Product (GDP) na 2.3 trilyong US dollars. Ayon sa mga tagapag-analisa, papasiglahin ng ASEAN Community ang kabuhayan ng Silangang Asya, maging ng buong daigdig.
Salin: Jade