KUALA LUMPUR, Malaysia—Sinimulan nang idaos ngayong araw ang serye ng pulong ng Silangang Asya. Kabilang sa mga pulong ay ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina (10+1), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF), at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit (EAS).
Ayon sa mga dalubhasang Tsino, sa katapusan ng taong ito, itatatag ang ASEAN Community, at sa ilalim ng background na ito, ang nasabing mga pulong ay nagsisilbing magandang plataporma para mapasulong ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa iba't ibang larangan.
Salin: Jade