Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(update) Lideratong Tsino, iniutos ang buong-sikap na paghahanap sa mga nawawala at paggamot sa mga sugatan sa pagsabog sa Tianjin

(GMT+08:00) 2015-08-13 14:24:04       CRI
Naganap alas-11:30 kagabi ang pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina. Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikadong kemikal. Hanggang alas 13:00 ngayong tanghali, 44 katao na kinabibilangan ng 12 bombero ang namatay; 521 ang ginagamot sa ospital at 52 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan.

Usok at apoy ang nakita pagkaraan ng pagsabog sa Binhai New Area sa Tianjin, lunsod sa dakong hilaga ng Tsina. Alas 11:30 kagabi, niyanig ng pagsabog ang Tianjin.(Xinhua/Yue Yuewei)

Mga basag na bintana sa isang gusali na malapit sa lugar ng pagsabog (Xinhua/Yue Yuewei)

Bilang tugon, inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may-kinalamang departamento na buong-sikap na gamutin ang mga sugatan, hanapin ang mga nawawala, at pigilan ang pagkalat ng sunog. Isang pangkagipitang work group ang naipadala rin sa Tianjin, siyudad sa timog-silangan ng Beijing, kasibera ng Tsina, para hawakan ang mga isyu.

Sinimulan na rin ang imbestigasyon hinggil sa pagsabog.

Inalam ng Serbisyo Filipino ang kalagayan ng mga OFW sa Tianjin. Ayon kay Gilbert Von San Jose, kinatawan ng Filipino Community sa Tianjin: "Okay naman mga Pinoy sa TEDA, Tianjin. Halos lahat ay natanong ko na pati mga pamilya at mga banda at OFW doon." Hinihintay niya ang balita sa iba pang Pilipino lalo na sa isang bar na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog na pag-aari ng Pinoy na may asawang Tsino. Aniya, sira ang mga pintuan at basag ang mga salamin ng bar, pero okay daw sila.

Narito po ang impormasyon hinggil sa logistic company, may-ari ng sumubog na warehouse (courtesy: http://news.xinhuanet.com/english/2015-08/13/c_134510491.htm): According to the company's official website, Tianjin Dongjiang Port Rui Hai International Logistics Co. Ltd. was founded in 2011 and is a storage and distribution center of containers of dangerous goods at the Tianjin Port. The company's business includes the storage, transfer, distribution and customs declaration of dangerous chemicals. Freight volume through the company stands at one million tonnes each year, with annual revenues exceeding 30 million yuan. The center includes two warehouses for dangerous goods. One is located next to an office building. Executives of the company have been controlled.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>