|
||||||||
|
||
Naganap kagabi ang pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina na ikinamatay ng di-kukulangin sa 17 katao at ikinasugat ng mahigit 400 iba pa.
Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikadong kemikal.
Usok at apoy ang nakita pagkaraan ng pagsabog sa Binhai New Area sa Tianjin, lunsod sa dakong hilaga ng Tsina. Alas 11:30 kagabi, niyanig ng pagsabog ang Tianjin.(Xinhua/Yue Yuewei)
Mga basag na bintana sa isang gusali na malapit sa lugar ng pagsabog (Xinhua/Yue Yuewei)
Bilang tugon, inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may-kinalamang departamento na buong-sikap na gamutin ang mga sugatan, hanapin ang mga nawawala, at pigilan ang pagkalat ng sunog.
Isang pangkagipitang work group ang naipadala rin sa Tianjin, siyudad sa timog-silangan ng Beijing, kasibera ng Tsina, para hawakan ang mga isyu.
Sinimulan na rin ang imbestigasyon hinggil sa pagsabog.
Narito po ang impormasyon hinggil sa logistic company, may-ari ng sumubog na warehouse (courtesy: http://news.xinhuanet.com/english/2015-08/13/c_134510491.htm):
According to the company's official website, Tianjin Dongjiang Port Rui Hai International Logistics Co. Ltd. was founded in 2011 and is a storage and distribution center of containers of dangerous goods at the Tianjin Port.
The company's business includes the storage, transfer, distribution and customs declaration of dangerous chemicals. Freight volume through the company stands at one million tonnes each year, with annual revenues exceeding 30 million yuan.
The center includes two warehouses for dangerous goods. One is located next to an office building.
Executives of the company have been controlled.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |