|
||||||||
|
||
Hanggang alas seis (6:00) kahapon ng hapon, 50 katao ang naitalang namatay; 701 ang ginagamot sa ospital at 71 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan, dahil sa pagsabog na naganap alas onse'y medya (11:30) kamakalawa ng gabi sa isang warehouse sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina.
Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikadong kemikal.
Patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas. At kasalukuyan nang iniimbestigahan ang dahilan ng nasabing pagsabog.
Inalam kahapon ng Serbisyo Filipino ang kalagayan ng mga OFW sa Tianjin. Ayon kay Gilbert Von San Jose, kinatawan ng Filipino Community sa Tianjin: "Okay naman ang mga Pinoy sa Tianjin. Halos lahat ay natanong ko na pati mga pamilya at mga banda at OFW doon." Sa ngayon, hinihintay niya ang balita sa iba pang Pilipino lalo na sa isang bar na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog na pag-aari ng Pinoy na may asawang Tsino. Aniya, sa inisyal na balita, nasira ang mga pintuan at nabasag ang mga salamin ng bar, pero okay naman daw sila.
Mga mamamayang lokal ng Tianjin habang nagluluksa para sa biktima ng trahedya, sa isang pansamantalang panirahan. Larawang kinunan noong Aug. 13, 2015. (Xinhua/Cai Yang)
Mga residenteng lokal habang pumipila para sa blood donation, sa labas ng isang blood donation bus sa Tianjin Railway Station. Larawang kinunan noong Aug. 13, 2015. (Xinhua/Yang Baosen)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |