Ipinahayag ngayong araw ni Shi Luze, Chief of Staff ng Beijing Military Region ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na kumpirmado na nila ang mga lokasyon kung saannakaimbak ang ilang daang toneladang sodium cyanide sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog sa Tianjin kamakailan.
Sinabi pa niyang para sa mga tumagas na sodium cyanide, isinagawa na nila ang mga hakbangin para hadlangan ito, at para sa mga sodium cyanide na nasa mainam pa rin na pagkaimbak, itinayo ang mga pader para barikadahan ang mga lugar sa paligid nito.
Sa kabilang dako, wala rin aniyang sintomas na naapektuhan ng nasabing mga kemikal ang kalusugan ng mga rescue personnel.