Ayon sa pinakahuling datos na inilabas kahapon, 104 na katao ang nasawi sa malakas na pagsubog sa lokal na warehouse na naganap noong ika-12 ng buwang ito sa puwerto ng Tianjin, Tsina.
Sa kasalukuyan, naapula na sunog sa naturang puwerto at nailigtas ang 46 na katao.
Sinabi ni Zhou Tian, Puno ng Fire Department ng Kawanihan ng Seguridad na Pampubliko ng Tianjin, na batay sa pinakahuling kalagayan sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog, itinalaga nito ang 8 fire engine at 70 firemen para patuloy na isagawa ang pagmomonitor sa kalagayan at gawain ng pagliligtas doon.
Sinabi pa ni Zhou na ginagamit din nila ang Unmanned Aerial Vehicle para tumulong sa pagmomonitor sa kapaligiran.