Ipinahayag kahapon ng awtoridad ng Reunion Island na natapos ang unang yugto ng paghahanap ng posibleng labi ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, na sinimulan noong ika-7 ng buwang ito sa naturang isla. Pero, wala itong naging makabuluhang pagtuklas.
Ayon pa rin sa awtoridad ng Reunion Island, ang unang yugto ng paghahanap ay isinagawa sa silangang baybayin ng isla, at karagatan sa paligid nito. Ipinalalagay ng awtoridad na walang malaking tulong ang kasalukuyang paraan ng paghahanap, pero pinanatili ang mahigpit na pagsubaybay sa suliraning ito.
Salin: Liu Kai