Ipinahayag kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na ang ginawang konklusyon ng bansa sa labi ng eroplanong natagpuan sa Reunion Island ay batay sa aspektong teknikal at ito ay maingat na pinag-aralan.
Sinabi rin ni Liow na iginagalang ng Malaysia ang palagay ng Pransya na nananatiling "malaking posibilidad" na ang nasabing labi ay bahagi ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Ipinalalagay din aniya ng Malaysia na dapat isagawa ang ibayo pang pagsusuri sa labing ito sa mga ibang aspekto.
Salin: Liu Kai