Ayon sa Xinhua News Agency, mahigit 30 sasakyang de motor mula sa lalawigang Guangdong, rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi, at Hong Kong, ay lumisan kamakailan ng Friendship Border Gate ng Pingxiang ng Guangxi. Ito ang simula ng 12 araw na paglalakbay ng 112 self-driving travellers.
Ang aktibidad na ito ay may pamagat na "Pagpasok sa ASEAN — Transnational Self-Driving Tourism." Ang linyang ito ay tutungo sa Friendship Border Gate, Ha Noi, Vinh City, Vientiane, Sukhothai, Chiang Mai, Chiang Rai Province, Golden Triangle at Bohan.
Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagpapalalim ng pagpapalitan at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga mamamayang Sino-ASEAN, unti-unting nagiging popular ang transnational self-driving tourism sa pagitan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng