Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga taga-Beijing, nahalina sa mga treng balot ng larawan ng Boracay, Bohol at Palawan

(GMT+08:00) 2015-02-06 11:55:04       CRI
Maraming taga-Beijing ang ngayon ay natutuwa sa mga tren ng Metro Line 2 ng lunsod na balot sa mga larawan ng Boracay, Bohol at Palawan.

  

Sa pagtataguyod ng Kagawaran ng Turismo (DoT) at Tourism Promotions Board (TPB) ng Pilipinas, ipinapaalala sa mga taga-Beijing ang magagandang lugar ng Pilipinas na tamang-tamang lugar bakasyunan sa Chinese New Year na magsisimula sa Ika-18 ng Pebrero.

Magmula noong nagdaang Enero, nagsimulang tumakbo ang mga tren na balot ng nasabing mga larawan.

Ang mga tren ay mistulang gumagalaw na galeriya ng mga larawan at magagandang lugar ng Pilipinas.

Sa loob ng mga tren, makikita rin ang mga larawan at poster ng nasabing mga destinasyon.

Ang nasabing proyekto ay tatagal ng isang buwan.

Photo Source: DoT Beijing Office

Salin: Rhio/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>