Sinabi kahapon ng panig pulisya ng Thailand na "kinakailangan ang suwerte " para madakip ang may-kagagawan ng pagsabog sa Bangkok. Tinaya rin nito na ang pangunahing suspek ay "posibleng nakaalis na sa Thailand."
Bilang tugon sa duda mula sa labas hinggil sa "mabagal na progreso" ng imbestigasyon, ipinaliwanag ni Somyot Poompanmoung, National Police Chief General ng Thailand, na ang mabagal na imbestigasyon ay dahil sa kawalan ng modernong kasangkapan na tumutulong sa gawain ng panig pulisya. Ipinagdiinan niyang, hindi ito dahil walang-kakayahan ang panig pulisya. Hindi niya idinetalye kung anong kasangkapang ang kulang ng panig pulisya ng Thailand. Ayon sa opinyong publiko mula sa labas ng Thailand, posibleng kinukulang ang panig pulisya ng Thailand sa face recognition technology o surveillance video processing equipment.
Salin: Li Feng