|
||||||||
|
||
Malapit na ang military parade na gaganapin sa Ikatlo ng Setyembre bilang paggunita sa Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Anti-Japanese War ng Tsina at Anti-Fascist War ng daigdig o V-Day parade. Idinaos kamakailan sa Tian'anmen Square at sa kahabaan ng Chang'an Avenue, Beijing ang pag-eensayo para rito.
Lumahok sa pag-eensayo ang mahigit 10,000 kawal, mga 500 sasakyang militar, at halos 200 eroplanong militar.
35,000 tao ang nanood ng pag-eensayo, sa pagtatanghal na mga kalahok na mga hukbong Tsino at dayuhan at mga beterano ng World War II.
Maayos at maalwan ang pag-eensayo. Isinagawa ito noong gabi ng nagdaang Sabado hanggang umaga ng Linggo para hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko sa Beijing.
Ipinagpapatuloy pa rin ngayon ang pagsasanay ng People's Liberation Army o PLA para sa V-Day parade.
Bandang militar ng Chinese People's Liberation Army o PLA
Honor guard ng Chinese People's Liberation Army
Sa kabila ng nakakapagod na pagsasanay, nakangiti pa rin ang sundalong babae na kasali sa parade
Nakikita ang mga formation ng mga eroplanong militar ng PLA
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |