Idinaos ngayong araw ang isang news briefing hinggil sa military parade na gagawin sa Tian'anmen Square sa Beijing sa ika-3 ng susunod na buwan, bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression at World War II.
Ayon sa ulat na ipinalabas sa news briefing, kalahok sa parada ang 12 libong tao, mahigit 500 kasangkapang militar, at halos 200 eroplano.
Kabilang sa mga kalahok sa parada ang mga beterano mula sa kapwa anti-Japanese forces na pinamunuan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kuomintang (KMT) Party, at kaapu-apuhan ng mga martir sa naturang mga digmaan. Ipinadala rin ng mahigit 10 bansang kinabibilangan ng Rusya, Kazakhstan, at iba pa ang mga sundalo para lumahok sa parada.
Salin: Liu Kai