Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pagkapoot sa pagbibigay ng Amerika ng limited visa kay Valentina Matviyenko, Chairwoman ng Federation Council ng Rusya. Anito, dahil dito, di niya puwedeng pamunuan ang delegasyon ng parliamentong Ruso sa pagdalo sa may-kinalamang aktibidad ng Inter-Parliamentary Union (IPU) na gaganapin sa New York sa malapit na hinaharap.
Ayon sa plano, dadalo si Valentina Matviyenko sa ika-4 na World Conference of Speakers of Parliaments ng IPU na gaganapin sa katapusan ng buwang ito hanggang unang dako ng susunod na buwan, at sa ika-10 Pagtatagpo ng mga Babaeng Ispiker ng IPU. Ngunit dahil sa isyu ng Ukraine, isinasagawa ng Amerika ang sangsyon laban sa ilang mataas na opisyal ng Rusya, inilakip si Valentina Matviyenko sa listahan ng sangsyon.
Salin: Li Feng