"Ang isinagawang aksyon ng departamentong pang-impormasyon ng Amerika ay naglalayong pangalagaan ang seguridad ng bansa." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulo Barack Obama sa pakikipag-usap sa telepono kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Ito ay pangalawang ulit na pagpapalinawag mula sa mga lider na Amerikano bilang tugon sa pangyayari ng pagmamanman ng Amerika laban sa Hapon.
Samantala, sinipi ng medyang Hapones ang pahayag ng opisyal na Hapones na hinihiling ng pamahalaang Hapones sa Amerika na isagawa ang imbestigasyon hinggil dito, at ipaliwanag ang mga may-kinalamang kalagayan. Ipinahayag anito ni Obama ang paghingi ng paumanhin sa naturang pangyayari.