Ipinahayag kahapon ni Wu Xi, Charge D'affaires ng Tsina sa Amerika ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Amerikano para matiyak ang tagumpay ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika sa darating na Setyembre.
Ipinahayag ni Wu ang nasabing kahandaan sa eksibisyon ng mga larawang may kinalaman sa pagtutulungan ng Tsina at Amerika noong World War II (WWII) na pinasinayaan sa pasuguan ng Tsina sa Amerika noong ika-24 ng nagdaang Hunyo.
Ipinagdiinan niyang ang pagtutulungang Sino-Amerikano ay nakaambag sa pagtatapos ng WWII, at sa kasalukuyan, kailangan ding pahigpitin ng dalawang bansa ang kanilang pagtutulungan para patuloy na makaambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng buong mundo.
Salin: Jade