Nagtagpo ngayong araw sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sinabi ni Xi na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika para patatagin ang bagong istilo ng relasyon ng malalaking bansa at maayos na hawakan at kontrolin ang kanilang mga hidwaan.
Sinabi naman ni Kerry na mahalaga ang relasyong Sino-Amerikano. Ang kooperasyon ng dalawang bansa aniya ay gumaganap ng malaking papel sa mga isyung pandaigdig. Aniya pa, dapat ibayo pang palawakin at palalimin ng dalawang bansa ang kanilang kooperasyon.