Ipinahayag kahapon sa Kuala Lumpur ng may kinalamang namamahalang tauhan ng Land Public Transport Commission ng Malaysia (SPAD) na tinatayang matatapos sa 2022 ang konstruksyon ng high-speed railway na magdudugtong sa Malaysia at Singapore.
Sinabi niyang sa kasalukuyan, isinasagawa pa rin ang bidding sa proyekto, kaya, hindi pa itinakda ang kabuuang presyo, o ipinatatalastas ang gastusin dahil sa devaluation ng salaping Malaysian.
Aniya pa, ang high-speed railway ay magdudugtong sa Malaysia at Singapore, kaya, kailangang magsanggunian ang dalawang bansa.
Napag-alaman, ang proyekto ng nasabing daambakal ay tinatayang nagkakahalaga ng mga 12 bilyong dolyares, at ang kabuuang haba ay 330 kilometro. Kung maisasaoperasyon, aabot sa 350 kilometro bawat oras ang bilis at tatagal nang 90 minuto lamang ang biyahe mula Singapore tungo sa Kuala Lumpur.
salin:wle