Dumalaw kamakailan sa Indonesya si Xu Shaoshi, Espesyal na Sugo ng Pangulong Tsino, at Puno ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina. Isinalaysay niya sa panig Indones ang plano ng pakikilahok ng Tsina sa konstruksyon ng Jakarta-Bandung high-speed railway.
Ayon kay Xu, makikipagtulungan ang panig Tsino sa kompanyang Indones sa pagtatayo at pagsasaoperasyon ng naturang daambakal. Aniya, sa panahon ng konstruksyon, magbibigay ito taun-taon ng halos 40 libong trabaho sa Indonesya.
Ani Xu, ililipat din ng Tsina sa Indonesya ang teknolohiya ng high-speed railway, para sanayin ang mga manggagawa at gawin ang mga kagamitan sa lokalidad. Umaasa aniya ang panig Tsino na sa pamamagitan ng proyektong ito, patataasin ang lebel ng industrialisasyon ng Indonesya, at pauunlarin ang kabuhayan at lipunan nito.
Salin: Liu Kai