Kasabay ng pagpapalipad ng 70 libong kalapati ng kapayapaan at 70 libong lobo, kumaway sa mga panauhing Tsino't dayuhan at mga mamamayan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC, at Pangulo ng bansa. Sa gayo'y kasiya-siyang natapos ang V-Day Parade bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, at pagpapahalaga sa kapayapaan.
Salin: Vera